Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

TAPS is one of the Pinoy fast foods that has many branches here in Davao. It has been one of our favorite places to eat years ago when I still in college and when I started working coz then you have your favorite Filipino food cooked in a few minutes for a price that is affordable. Your tummy will be filled that’s why I think they have the slogan “Busog Pinoy” which means the Filipino will be filled and satisfied with food they eat here. These days we rarely get to eat there since we have been blessed to eat somewhere else. :) But at times when we crave for Filipino food cooked fast then we would at rare times go there. Their Lekasi (lechon kawali and sinangag) is among y favorite and their Bangsi (boneless bangus with sinangag) but I do not like sinangag or garlic rice so I always have plain rice.

TAPS ang isa sa mga Pinoy na kainan na mayroong maraming sangay dito sa Davao. Ito ang isa sa mga paborito naming kainan ilang taong nakalipas noong ako’y nag-aaral pa at noong ako’y nagsimulang magtrabaho kasi noon makakakain ka ng paborito mong lutong Pinoy sa ilang minuto lamang sa presyong kaya. Mabubusog ka kaya sa tingin ko yun ang slogan nilang “Busog Pinoy” ibig sabihin ang Pinoy ay mabubusog sa kinain nila. Ngayon bihira na kami makakain doon kasi nabiyayaan kaming makakain sa ibang lugar na. :) Pero minsang naghahanap kami ng pagkaing Pinoy na mabilis lutuin kaya pumupunta kami doon pero bihira na nga lang. Ang kanilang Lekasi o lechong kawali at sinangag ang isa sa paborito ko doon at ang kanilang Bangsi o bangus na wala ng tinik at sinangag pero di ko gusto ang sinangag o kanin na may halong bawang kaya yung ordinaryong kanin lang ang sa akin.

Litratong Pinoy: Tatak Pinoy - TAPS Busog Pinoy @MTS, Davao City

(click to enlarge)

Popularity: 4% [?]

Twit This Post!

TrackBack URI | RSS feed for comments on this post

12 Responses

  1. fortuitous faery

    2008 Jul 03 1

    uy, mukhang masarap kumain dyan! kahit anong “-silog” pa yan, i’m sure masarap!

    fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy #11:tatak pinoy

  2. ShutterHappyJenn

    2008 Jul 03 2

    Ummmm… makapag tapsi nga rin!

    Ang aking lahok ay naka-post na rin sa aking blog:
    Shutter Happenings.

    Sana makadaan ka rin!

    ShutterHappyJenns last blog post..Tatak Pinoy (Philippine Made)

  3. julie

    2008 Jul 03 3

    dalawa lang ang masasabi ko, sarap….kakagutom…

    Magandang Huwebes sa iyo.

    julies last blog post..Spoiling Children With Material Things

  4. carol

    2008 Jul 03 4

    wala ba sa manila nito? :)
    carols last blog post..LP Tatak Pinoy

  5. lino

    2008 Jul 03 5

    uy di ko pa napupuntahan ito ah… saan sa davao meron nito? mero din ba sa tagum o panabo? :)
    linos last blog post..tatak pinoy…(filipino trademarks)

  6. jennyL

    2008 Jul 03 6

    naalala ko tuloy ang tapsilog .. nagutom tuloy ako sarap nyan

  7. Eds

    2008 Jul 03 7

    wow! ang sarap naman mgtapsilog ngayon umaga.. lalu na medyo umuulan ulan pa :)

    sana ay makabisita ka sa aking bahay :)
    Edss last blog post..♥ LP# 14: Tatak PINOY ♥

  8. betchay

    2008 Jul 03 8

    uy mukhang masarap na kainan yan ha…

  9. MommyBa

    2008 Jul 05 9

    sana mapuntahan ko rin ang davao in the near future :) at kakain ako sa taps :)

    happy weekend!

    MommyBas last blog post..Litratong Pinoy: Tatak Pinoy

  10. KD

    2008 Jul 05 10

    Tunay na tatak pinoy ang mga pagkaing nagsisimula sa TAPS hehe.

    Happy LP!

    KDs last blog post..LP#14 - Tatak Pinoy

  11. teys

    2008 Jul 08 11

    uy ngayon ko lang nadinig yang taps, san yan sa davao para makakain din kami ni asawa pag-uwi? ngayon ko lang nadinig yung leksi :) lol

    happy lp

    teyss last blog post..The cost of education

  12. venz

    2009 Jun 20 12

    nge wag dito may kaso na ng food poisoning dito..

    dilikado ang kainan nato,… hindi man lang sa naninira di lang talaga magandang kumain dito


Leave a reply

CommentLuv Enabled